Inilunsad ang opening ceremony ng Pre-Asian Indoor and Martial Arts Games sa Harrison Plaza kamakailan.
Ang event—na nilahukan ng mahigit 500 participants mula sa iba’t-ibang lugar sa Luzon—ay pinangunahan nila Congressman Monsour del Rosario at Secretary General Raymond Lee Reyes.
Dumalo din sina Philippine Olympic Committee President Jose “Peping Cojuangco at Rafael Nepomuceno sa opening ceremony para pasinayaan ang nasabing palaro.
Ang mga sport na tampok sa indoor martial arts competition ay kick boxing, belt wrestling, sambo, kurash at traditional wrestling.
Ang mga manlalarong mananalo sa kompetisyon na ito ay ilalaban sa ibang bansa sa pangunguna ni Heidelyn Ramos.
Si Ramos ay magiging flag-bearer ng Pilipinas sa nalalapit na kompetisyon na lalahukan ng 62 na bansa sa darating na Agosto.