Prelim conference sa election protest ni dating Sen. Marcos, hiniling sa SC

By Erwin Temperante
Eagle News Service

(Eagle News) — Isinumite na ng kampo ni dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos ang kaniyang reply sa motion ni Vice President Leni Robredo na pumipigil sa Korte Suprema na magsagawa ng preliminary conference sa electoral protest na isinampa ng dating senador sa Presidential Electoral Tribunal.

Isa sa laman ng kanilang reply ang kaso noon ni dating Interior secretary Mar Roxas laban kay dating VPJejomar Binay.

Sa loob anila ng dalawang buwan nakapagsagawa ng preliminary conference kaugnay sa electoral protest ni Roxas kay Binay.

Sabi ng abugado ni Marcos, halos limang buwan na mula nang maghain sila ng petition for preliminary conference ngunit hindi pa rin ito nasisimulan.

Maliwanag na isang delaying tactics ang ginagawa ng kabilang kampo upang makapanatili sa pwesto na illegal namang nakamit.

Isang daan ang preliminary conference upang mapadali ang pag-resolba sa electoral protest ng dating senador sa sinasabing dayaan sa nakalipas na halalan kug saan nakalamang ng mahigit dalawang daang boto si VP Robredo.

Sa electoral protest ni Marcos nais nyang muling ipabilang ang mahigit 8 milyong boto mula sa 39,221 cluster precinct sa dawampu’t-pitong probinsya at siyudad  sa buong bansa. Nais niya ring ipawalang bisa ang naganap na botohan sa Lanao Del Sur, Basilan at Maguindanao dahil sa lantarang dayaang nangyari sa halalan.

“In a long line of decided cases, the supreme court has held that in an election protest, different causes of action can proceed independently of each other.  This is because the sovereign will of the people is the core issue in an election protest.  Thus, the purpose of a preliminary conference is precisely to avoid unnecessary delays and speed up the process so that the people’s voice will be heard,” ayon kay Attorney George Erwin Garcia, Marcos counsel

Feb 21 nang atasan ng Korte Suprema ang kampo ng Marcos na magsumite ng kanilang tugon sa pagharang  ni VP Robredo na magsagawa ng preliminary conference ang PET upang mapabilis ang pagdinig sa electoral protest ni Marcos.

Related Post

This website uses cookies.