Prelim probe ng DOJ vs ‘Espinosa cops’ itinakda sa Dec. 20

(Eagle News) — Ipinatawag na ng Department of Justice (DOJ) ang mga pulis na sangkot sa pagkamatay ni Albuera  Mayor Rolando Espinosa para sa pagsisimula ng pagdinig sa mga reklamong isinampa laban sa kanila.

Batay sa subpoena na ipinadala ng DOJ Panel of Prosecutors, itinakda ang unang preliminary investigation sa susunod na Martes, December 20.

Nagtakda rin ng ikalawang pagdinig ang DOJ sa January 8, 2017 para naman sa posibleng  paghahain ng kontra- salaysay ng mga inireklamong pulis.

Related Post

This website uses cookies.