(Eagle News) — Itinakda na ng Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal ang preliminary conference na sa electoral protest ni dating senador Ferdinand Bongbong Marcos laban kay VP Leni Robredo kaugnay sa nakaraang halaan.
Kinatigan ng Korte Suprema ang petition ng dating senador ukol sa pagsasagawa ng preliminary investigation, ito ang naging desisiyon ng PET na nagsasagawa ngayon ng Summer Session sa Baguio City.
Alas dos ng hapon (2:00 PM) sa June 21, 2017 itinakda ng PET ang preliminary conference kung saan dito paguusapan ang mga tatalakayin sa nilalaman ng electoral protest ni dating senador Marcos na sinasabing nangyaring dayaan sa pagka bise presidente noong May 2016 election.
Limang araw bago ang takdang preliminary conference dapat isumite ng magkabilang kampo ang bahagi ng nilalaman ng kanilang nais talakayin kagaya ng mga iprepresentang dokumento, bilang ng mga pauupuing testigo, at maging ang pinaka mabilis na paraan sa pag retrieved ng mga ballot boxes election returns na may kaugnayan sa sinasabing dayaan sa sa nakaraang halalan.
Matatandaang laman ng eletoral protest ng kampo ng dating senador ang pagnanais nitong muling ipabilang ang mahigit 8 milyong boto mula sa 39,221 cluster precinct sa dalawampu’t pitong probinsya at siyudad sa bansa.
Kasama sa kaniyang hiling ang ipawalang bisa ang naganap na halalan sa Lanao Del Sur, Basilan at Maguindanao dahil sa umano’y lantarang dayaan na nangyari sa panahon ng halalan.
Matatandaang tinangka ring harangin ng kampo ng bise presidente ang pagsasagawa ng preliminary conference na ayon pa sa mga abugado ng dating senador isang delaying tactics ang ginagawa ng grupo ng bise presidente upang makapanatili sa pwesto na iligal namang nakamit.
Sa mensaheng ipinadala ng abudago ni dating senador Marcos na si Attorney Vic Rodriguez, nagpapasalamat aniya sila sa PET dahil sa matagal nilang paghihintay pinagbigyan na sila na kanilang hiling na preliminary conference, sa pagkakataong ito anila mapapatunayan ng dating senador Marcos na inagaw sa kaniya at sa taong bayan ang pagkabise presidente at panahon na para lumabas ang katotohanan.