PANACAN, Davao City (Eagle News) — Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa mga binitiwan niyang salita.
Sa isang press conference sa Panacan, Davao City. Sinabi ng pangulo na hindi niya intensyon ang mga masasakit na salita na kaniyang binitiwan.
Aniya may nangyayaring patayan dahil sa ilegal na droga at trabaho niyang bigyang-kaalaman ang publiko sa kanilang paligid upang maka-iwas sa anu-mang panganib.
Una rito, pinuna ng Pangulo ang Chief Justice sa di-umano’y pangingi-alam nito sa kanyang kampanya kontra ilegal na droga. Tinanong din niya ang chief justice kung nais ba niyang ma-deklara ang Pangulo ng martial law para matigil ang problema sa ilegal na droga sa bansa.
Muli namang nangako ang Pangulo na po-protektahan ang publiko sa panganib ng ilegal na droga kung sakaling ma-resolba ang problema sa droga sa madaling panahon ay handa siyang umalis sa pagka-pangulo.