Pres. Duterte sa mga bagong opisyal ng gobyerno: “Iwasan ang corruption”

MANILA, Philippines (Eagle News) — Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isinagawang mass oath taking ng mga opisyal ng gobyerno sa Malacañang.

Nakiusap ang Pangulo sa ilang mga bagong appointee sa kanyang administrasyon na iwasan ang anumang uri ng katiwalian.

Sinabi pa ni Duterte na kung gusto ninuman ang magpayaman ay iwasan nila na pumasok sa gobyerno dahil ito ay isang uri ng public service.

Kabilang sa mga nanumpa sa bagong pwesto sa Duterte Administration sina Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella na dating tagapagsalita ng Pangulo, at dating Gabriela Partylist Rep. Luz Ilagan na itinalaga bilang Social Welfare undersecretary.

Nanumpa rin sa kanyang bagong pwesto bilang board member ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang jueteng whistleblower na si Sandra Cam.

Itinalaga naman bilang bagong Energy Regulatory Commission Chairman si dating Justice Sec. Agnes Devanadera.

Kasama rin sa mga nanumpa ang ilang mga bagong opisyal sa ilang mga government-owned and controlled corporations (GOCCs).

https://youtu.be/ks_BeqjEg9I