President Aquino at Purisima, inilihim ang Mamasapano operation – Sen. Enrile

Inakusahan ni Senador Juan Ponce Enrile si Pangulong Benigno S. Aquino III na sadyang inilihim sa pagitan nila ni dating Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima ang Oplan Exodus sa Mamasapano, Maguindanao.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng senado sa Mamasapano encounter, sinabi ni Enrile na malinaw na sinira ng Pangulo ang command system ng pambansang pulisya maging ng sandatahang lakas ng Pilipinas.

Nanindigan si Enrile na may aktibong partisipasyon ang Pangulong Aquino simula pa lamang nang pina-plano ang operasyon para hulihin ang international terrorist na si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan.

Iginiit ni Enrile na batid at may basbas ng pangulo ang bawat takbo ng Oplan Exodus.

Related Post

This website uses cookies.