President Duterte, muling bumisita sa Marawi City

(Eagle News) — Muling bumisita kahapon, Oktubre 1, si Pangulong Rodrigo Duterte sa Marawi City.

Ito na ang ika-anim na pagbisita ng Pangulo sa Marawi mula nang magsimula ang kaguluhan sa nasabing lungsod.

Ayon sa Palasyo, pinangunahan ng Pangulo ang inagurasyon ng Bahay Pag-asa para sa paglilipat ng mga tahanan ng mga naapektuhang residente.

Pawang umaasa naman sina Pangulong Duterte at Defense Secretary Delfin Lorenzana na matatapos na ang krisis sa Marawi bago matapos ang buwan ng Oktubre.

Gayunman, muling umapela ang militar ng karagdagan pang panahon para mailigtas ang natitirang 46 na mga bihag.

Ayon sa militar, nagpapatuloy pa ang bakbakan ng tropa ng gobyerno laban sa mga natitirang miyembro ng maute na kontrolado pa anya ang lugar na tinatayang nasa dalawang football fields ang lawak.

Aminado naman ang militar na hirap ang tropa ng pamahalaan sa operasyon dahil sa hindi pantay na mga lugar at gusaling pinagkukublian ng mga Maute.

Related Post

This website uses cookies.