President-elect Rodrigo Duterte, nakiramay sa pamilya ng yumaong Cong. Tet Garcia

Personal na nakiramay si incoming President Rodrigo Duterte sa pamilya at mga kaanak na naulila ni yumaong Congressman Enrique “Tet” Garcia, Jr., sa lalawigan ng Bataan.
Kinausap ni Duterte ang maybahay ng yumaong kongresista na si Ginang Vicky Garcia at si Governor Abet Garcia. Halos 30 minuto din na nagtagal si Duterte sa ikalawang araw na Burol ng nasabing kongresista.
Nakatakda namang ilibing ang kongresista sa darating na Linggo, Hunyo 19, 2016, 1:00 ng hapon sa Eternal Shrine Memorial Park sa Balanga, Bataan.

 

Related Post

This website uses cookies.