President Rodrigo Duterte, nasa Davao na uli

Davao City (Eagle News) — Nakabalik na si Pangulong Rodrigo ” Roa” Duterte sa Davao City  madaling araw ng Sabado, June 2, 2016 at tumuloy na sa kaniyang tahanan sa Matina Enclaves, Davao City.

Ayon kay Christopher Lawrence Go, Special Assistant to the President, matapos ang isinagawang inagurasyon, halos walang tigil ang bagong Pangulo sa kanyang pakikipag-usap sa lahat ng miyembro ng kanyang gabinete at mga opisyal mula sa iba’t ibang departamento ng bansa.

Inaasahan namang sasabak na muli ang Pangulo sa kanyang trabaho matapos makapagpahinga.

Courtesy: Haydee Jipolan – Davao City Correspondent