Eagle News Service
ANDA, Pangasinan (Eagle News) – Bumagsak sa Php 15.00 ang kada kilo ng bangus sa Anda, Pangasinan dahil sa nararanasang fish kill sa Caciputan Channel sa bayabayin ng Anda at Bolinao.
Ayon sa mga residente sa Catubig Anda, simula pa nitong Huwebes nang sabay-sabay na lumutang ang mga isda mula sa mga palaisdaan sa Caciputan Channel.
Ang ilang fish pen owners naman ay nagsagawa na rin ng force harvest sa mga pwede pang pakinabangan na mga isda.
Ayon kay Nestor Domenden, Regional Director ng BFAR Region 1, isang linggo nang nararanasan ang paisa -isang paglutang ng mga isda sa Caciputan Bay, at naagapan pa ng mga may-ari ng fish pen, ngunit matapos ang mahabang init nang mag hapon nitong Huwebes na sinundan ng biglang pagbagsak ng ulan ay hindi na napigilan ang paglutang ng mga isda.