Presyo ng bigas sa ilang pamilihan sa NCR, Visayas at Central Mindanao, bumaba

(Eagle News) — Mula sa Php 63-70 per kilo ng bigas nitong nagdaang dalawang linggo, ngayon halos Php 10.00 ang ibinaba ng presyo sa bawat kilo ng bigas dahil umano sa pagpasok ng mga commercial rice na nagmula sa National Capital Region, Visayas at Central Mindanao.

Ayon kay Ruben Manatad-NFA 9 Assistant Regional Director, agad nilang isinupply sa pamilihan ang mga bigas na nasa barko mula sa ibang bansa na nakatulong sa pagbaba ng presyo ng bigas.

Bukod sa NFA rice, dumating na rin sa lungsod ang libu-libong sako ng bigas na tig-50 kilos at 25 kilos na naipamahagi na rin sa mga rice retailer ng lungsod .

Ayon naman sa mga rice retailer, malaking tulong daw sa mga mamimili ang ganitong pagbaba sa presyo ng bigas sa mercado, kaysa maghintay sa pondong ilalabas ng lokal na pamahalaan matapos isailalim sa “state of calamity” ang Zamboanga City dahil umano sa rice shortage.

https://youtu.be/haRglU5Z7UE