Presyo ng gasolina, diesel at kerosene, bababa sa linggong ito

MANILA Philippines (Eagle News) — Inihayag ng Department of Energy (DOE) na magpapatupad ng rollback ang ilang kumpanya ng langis sa susunod na linggo.

Ito ay makaraan ang serye ng oil price hike na kanilang isinagawa sa mga nakalipas na mga araw.

Sa consumer advisory na inilabas ng doe, umaabot sa Php 0.30 ang ibabawas sa halaga ng diesel at kerosene samantalang Php 0.20 naman sa bawat litro ng gasolina.

Inaasahan na sa Martes ng umaga gagawin ang nasabing oil price rollback.

Kabilang sa mga kumpanyang nag-anunsyo ng rollback ay ang Shell, Caltex, Phoenix, Ptt, Jetti, Clean Fuel, Metro Oil, Eastern Petroleum at Seaoil.

Sa kasalukuyan ay naglalaro mula Php 31.00 hanggang Php 38.00 ang presyo ng kada litro ng diesel samantalang mula Php 43.00 haggang Php 53.00 naman ang bawat litro ng gasolina.

Related Post

This website uses cookies.