(Eagle News) — Wala pang isang buwan bago ang pagbubukas ng klase sa Hunyo, tumaas na ang presyo ng ilang gamit pang-eskwela.
Ang presyo ng notebook na may walumpung pahina ay tumaas na ng Php 1.00 hanggang Php 3.00 kada piraso.
Tumaas naman ng Php 0.50 centavos hanggang Php 3.25 kada piraso ang pad papers, habang Php 1.00 hanggang Php 5.00 ang itinaas sa presyo ng intermediate pad.
Php 2.00 hanggang Php 10.00 naman ang itinaas sa kada pack ng crayola.
Kaugnay nito, maglalabas naman ang Department of Trade and Industry (DTI) ng suggested retail price (SRP) para sa school supplies.