Presyo ng mga pangunahing bilihin mas mura sa supermarkets kaysa palengke – DTI

(Eagle News) – Hinihikayat ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko na mamili ng pagkain sa mga supermarket dahil mas mura ang halaga kumpara sa mga palengke.

Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, mabilis mag-reflect sa presyuhan sa mga supermarket o groceries ang paggalaw ng presyo sa farm gate.

Sinabi ni Lopez na hindi tulad sa palengke na kahit gumalaw na o bumaba na ang presyuhan sa farm gate o producers ay hindi pa naibababa ang presyo ng bilihin.

Ayon sa kalihim, wala sa kontrol ng DTI ang mga palengke.

Aniya, ang local government units (LGUs) na nakakasakop sa isang palengke ang dapat na nagbabantay sa presyuhan na ipinatutupad sa mga pamilihan.

https://youtu.be/u6YNt2jRtnQ