Presyo ng mga pangunahing bilihin, tumaas ngayong Pebrero – DTI

(Eagle News) — Nagdagdag ng presyo sa mga pangunahing bilihin ngayong pebrero dahil sa mataas na halaga ng raw materials at mahinang piso kontra dolyar.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), tumaas ang nasa limampu’t anim na (56) stock keeping units sa may 242 na nasa Suggested Retail Price (SRP) habang nasa 186 na produkto ang nananatili ang presyo.

Ayon kay DTI Undersecretary for Consumer Protection Ruth Castelo, ngayon lang sila nagpatupad ng SRP adjustments matapos ang pagsusuri at konsultasyon sa mga manufacturer ng mga pangunahing bilihin.
Kabilang sa tumaas ang presyo ay ang canned sardines dahil sa mataas na presyo ng tamban, tin can, tomato paste, fuel at iba pang gastusin.

Mataas din ngayon ang presyo ng processed meat at canned beef dahil sa mataas na halaga ng packaging materials.

Mahal rin ng higit piso ang evaporated at condensed milk.

Tumaas din ang halaga ng condiments gaya ng suka, patis at toyo.

Related Post

This website uses cookies.