Presyo ng mga produktong petrolyo, muling tataas bukas, Abril 19

Screen shot 2016-04-18 at 3.53.07 PM
Presyo ng mga produktong petrolyo, muling magtataas

(Eagle News) — Muling magtataas ang presyo ng mga produktong petrolyo simula bukas, Abril 19.

Magtataas ang Flying V, Phoenix Petroleum Philippines Inc., at SEAOIL Philippines Inc. ng P1.50 sa kada litro ng diesel at P1.10 sa kada litro ng gasolina simula 12:01 ng hatinggabi para sa Flying V, habang simula 6:00 ng umaga naman para sa Phoenix at SEAOIL.

Ayon sa Department of Energy (DOE) naglalaro sa P20.05 hanggang P25.77 kada litro ang presyo ng diesel; habang nasa P33.40 hanggang P41.10 naman kada litro ang presyo ng gasolina.