(Eagle News) — Hihirit ng dagdag-presyo sa tinapay ang samahan ng mga panaderya sa bansa.
Ayon kay Luisito Chavez ng Philippine Federation of Bakers’ Association, maghahain sila ng petisyon sa Department of Trade Industry anumang araw ngayong linggo kaugnay sa taas-presyo ng tinapay.
Bagamat stable aniya ang presyuhan ng harina, mataas naman ang ibang sangkap sa paggawa ng tinapay bukod pa sa malaking singil sa kuryente, tubig at gasolina.
Hindi naman masabi ng samahan kung magkano ang kanilang ihihirit na dagdag-presyo sa tinapay at nakadepende pa rin umano ito sa magiging galaw sa halaga ng harina. (Jerold Tagbo)
https://youtu.be/luef6grFt3M