Produksyon ng agricultural products sa Tarlac, umabot sa halagang P5 bilyon sa unang bahagi ng taon

TARLAC CITY, Tarlac (Eagle News) – Naging maganda ang produksyon ng agricultural products sa lalawigan ng Tarlac sa unang bahagi ng taon.

Ipinagmalaki ni Tarlac Provincial Agriculturist Edwina Tabamo na mula nitong Enero hanggang Mayo ay umabot sa P5 bilyon ang halaga ng naaning palay, kalamansi, mga gulay at livestock.

Nabatid din na mula Enero hanggang Mayo ng taong ito ay nasa 250 metriko toneladang palay ang naani sa Tarlac.

Tiniyak naman ni Tabamo na handa ang pamahalaang panlalawigan na umayuda sa mga magsasaka pagdating ng panahon ng tag-ulan.

Madelyn Villar – Eagle News Service

Related Post

This website uses cookies.