Benguet, Philippines –Maging ang produksiyon ng mga bulaklak sa Benguet ay naapektuhan dahil sa mga nararanasang pag-ulan sa Cordillera Region.
Ayon kay Estrella Dumas, Presidente ng cutflower vendors sa Harrison Road, Baguio City, nabawasan ang suplay ng mga bulaklak mula pa noong nakaraang linggo.
Sinabi ni dumas na mas marami pa rin ang mga bulaklak na hindi masyadong bumuka dahil sa epekto ng habagat kaysa sa mga dekalidad na bulaklak na naitanim sa green houses.