APRIL 28 — Nais hikayatin ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka sa lalawigan ng Aurora na umayon sa organikong pamamaraan ng pagsasaka alinsunod sa Organic Agriculture Act of 2010 ng Pamahalaan.
Kaugnay nito, ay nakikipag-ugnayan ang Office of the Provincial Agriculturist (OPA) sa isang pribadong kumpanya na nagsusulong ng Bio-Nutri Green Procedure.
Ang Bio-Nutri Green Procedure ay mayroong hatid na iba’t-ibang teknolohiyang pansakahan gamit ang organikong pamamaraan ay ginagarantiyahan ang mataas na ani at matipid na gastos sa produksyon.
Bilang suporta sa naturang programa, humiling ang OPA ng financial assistance na mahigit pitong daang libong piso na gagamitin upang magamit sa pagpapataas ng produksiyon ng mais sa lalawigan.
(Agila Probinsya Correspondent Maylyn Celino, Eagle News Service MRFaith Bonalos)