Produksyon ng sibuyas, umaayos na

(Eagle News) — Inihayag ni Agriculture Secretary Manny Piñol na bumubuti at nagiging maayos na ang produksyon ng sibuyas sa bansa.

Sinabi ni Piñol na ang kailangan na lang ngayon ng mga magsasaka, partikular na sa Nueva Ecija, ay karagdagang cold storage.

Paliwanag ng kalihim, isang beses lamang sa isang taon umaani ng sibuyas. Hindi naman kaagad naibebenta ang sibuyas sa merkado, kung kaya kinakailangang itabi ang mga ito.

At kapag nasa cold storage aniya ang sibuyas, may karagdagang gastos ito na nakakaapekto rin sa merkado.

Related Post

This website uses cookies.