CARRASCAL, Surigao del Sur (Eagle News) – Nagsagawa ng Project “Taphang” o pagtalakay ang mga kapulisan sa mga kabataang basketbolista sa Brgy. Pantukan, Carrascal, Surigao del Sur noong Martes, March 14. Ito ay may kinalaman sa kasalukuyang programa ng Philippine National Police, Municipal Social Welfare Development at ng Local Government Unit-Carrascal tungkol sa tinatawag nilang “Food for Work Program” para sa mga drug surrenderree ng bawat barangay.
Sa nasabing aktibidad ay ipinaabot naman ng kapulisan ang kanilang malaking pagpapasalamat sa Brgy. Kapitan na si Rommel Ala sa patuloy na pagsuporta nito sa programang Inter-Youth Basketball Tournament na matatapos sa unang Linggo ng Buwan ng Abril.
Patuloy ang kanilang panawagan sa lahat partikular sa mga kabataan na dapat ay ma-involve sila sa sports at huwag sa iligal na droga.
Dennis Revelo – EBC Correspondent, Surigao del Sur