Proklamasyon ng mga nanalo sa barangay at SK polls, 100% na- Comelec

(Eagle News)– Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) ngayong araw, Mayo 17, na tapos na ang bilangan ng mga balota at nai-proklama na ang lahat ng mga nanalong kandidato sa katatapos lamang na barangay at Sangguniang Kabataan (SK) eleksyon sa bansa.

“Regarding the proclamations, we’re at 100% as of 4:30 a.m. today,” pahayag ni Comelec spokesperson James Jimenez.

Samantala, sinabi ni Comelec Acting Chairman Al Parreño na tinatayang nasa 75 porsyento ang voter turnout sa katatapos lamang na botohan.

Ang voter turnout ay ang porsyento ng mga rehistradong botante na nagsumite ng kanilang balota sa eleksyon.

Sa pahayag naman ni Comelec Commissioner Sheriff Abas, walang anomang naiulat na failure of election ngayong taon.

“Nakapagsagawa tayo ng halalan sa lahat ng mga presinto,” dagdag pa ni Abas.

Ngunit kahit naiproklama na ang mga nanalong opisyal, maaari pa rin silang mapawalang bisa kung mapapatunayan na nagkaroon sila ng paglabag sa Omnibus Election Code.

Kabilang sa mga posibleng dahilan ng pagkakaalis sa pwesto ay ang sobrang paggastos sa kampanya, pagbili ng boto at iba pang election offense.Jodi Bustos

Related Post

This website uses cookies.