Proklamasyon, tuloy kahit wala si Duterte

Ito ay kuha noong May 26, 2016 sa Davao city kung saan ginanap ang press conference ni Philippines’s president-elect Rodrigo Duterte / AFP PHOTO /

(Eagle News) — Itutuloy pa rin ng National Board Of Canvassers (NBOC) ang proklamasyon ng nanalo sa pagka-presidente at bise presidente ngayong araw kahit hindi makakadalo si  President-elect Rodrigo Duterte.

Ayon kay Senate President Franklin Drilon, wala siyang nakikitang problema kahit wala si Duterte sa proklamasyon.

Wala raw “legal effect” sa alkalde ng Davao kahit hindi siya dadalo.

Nabatid na noong Sabado ng gabi, ay iginiit ni Duterte na hindi ito dadalo sa proklamasyon sa kongreso.

Kinumpirma naman ni Drilon na Vice Chairman ng Liberal Party (LP), na dadalo si Vice President-elect Leni Robredo sa proklamasyon.

Una nang sinabi ng NBOC, na wala silang nakikitang problema kung dadalo o hindi ang mga inaasahang panalong kandidato.

Sinabi ni Senator Aquilino Pimentel III, na ginawa na nila ang kanilang tungkulin sa paghimay ng mga Certificates Of Canvass (COC) at bahala na ang mga kandidato kung magpapakita sila sa proklamasyon mamayang hapon.

 

Eagle News Service.

Related Post

This website uses cookies.