Promosyon ng 9 mambabatas bilang Colonel sa AFP Reserve, kinatigan ng CA

Ilan sa mga senador at kongresista na itinalagang Colonel bilang Armed Forces of the Philippines reservists. (Photo by Meanne Corvera, Eagle News Service)

 

By Meanne Corvera
Eagle News Service

(Eagle News) — Lumusot na sa makapangyarihang Commission on Appointments ang promosyon ng siyam na reserve senior military officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na kinabibilangan ng mga senador at mga kongresista.

Mula sa ranggong Lt. Colonel, napromote bilang mga full-fledged Colonel sina senador Loren Legarda, senador Manny Pacquiao, House Speaker Pantaleon Alvarez, House Majority Leader Rodolfo Farinas, Deputy Speaker Gwendolyn Garcia, Cavite Rep. Roy Loyola at Maguindanao Rep. Bai Sandra Sema.

Wala nang kumuwestyon pa sa promosyon ng mga mambabatas.

Kasama rin sa na-promote ang dalawa pang military officials na sina Major Gen. Rene Glen Paje at Col. Marlyn Agabas.

Kasama sana sa mapo-promote si Rep. Joel Mayo Almario pero hindi naihabol ng Philippine Air Force ang papel nito sa mga isinumite kay Pangulong Rodrigo Duterte.

(Eagle News Service)

Related Post

This website uses cookies.