Napag-alaman na ang bayan ng Pagudpud ay isa sa mga bayan ng Ilocos Norte na pinakamakilos at dinarayo kung turismo ang pag-uusapan.
Kilala ito sa kagandahan ng kanyang mumunting paraisong mga bundok at kapaligiran at malinis na tubig dagat kung kayat ito ay binalik-balikan.
Ngunit kasabay nang pag-unlad nito ay naging problema sa nasabing lugar ang pagdami ng basura.
Dahil dito ang pagsulong ng Republic Act No. 9003 o Ecological Solidwaste Management Act Law at Municipal Ordinance Number 2008 ay itinaguyod ng munisipalidad sa suporta ng sambahayan, academia, mga barangay oficials at maging ng lahat ng mamamayan ng nasabing bayan.
Matatandaang ang Pagudpud ay bumuo ng grupo na nagpunta sa bayan ng Teresa Rizal at Naguilian, La Union upang gayahin ang sistema at sekreto nila sa pagbubukod-bukod ng basura.
At sa tulong ng Northern Luzon Renewable Energy Corporation na siya ring nagpatayo ng windmill ay nakatanggap ang Pagudpud ng ng buong kagamitan para sa Solidwaste Management gaya ng isang unit bioreactor, densifier at apat unit na shredder na pawang gagamitin sa training at implementasion ng RA 9003.
Sa kasalukuyan ay ginagawa na ng LGU Pagudpud ang isang training kung paano magagamit ang nasabing equipments sa pangunguna ni Mayor Marlon Ferdinand Sales kasama ang mga empleyado ng LGU Pagudpud. (Pagudpud, Ilocos Norte)
(Agila Probinsya Correspondent Orlando Eduria, Sonia Pascua, Eagle News Service MRFaith Bonalos, Jericho Morales)