Provincial bus ban sa EDSA, ipatutupad na

(Eagle News) — Lilimitahan na ang pagbiyahe ng provincial buses sa EDSA simula sa Hulyo 15.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang lahat ng provincial buses ay hindi na maaaring bumiyahe sa magkabilang panig ng EDSA mula Pasay City hanggang Cubao, Quezon City mula alas-5 hanggang alas-10 ng umaga.

Mauulit muli ito mula alas-4 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi.

Paliwanag ni MMDA General Manager Jojo Garcia, ang mga provincial bus na galing ng south Luzon ay hanggang Pasay City lamang tuwing umiiral ang bus ban, habang hanggang Cubao lamang ang provincial buses na galing central at northern Luzon.

Dagdag pa ni Garcia, ang mga maapektuhang bus ay exempted na sa number-coding scheme at ang mga lalabag ay pagmumultahin ng Php 2,000.

Inaasahang aabot sa 2000 buses ang mababawas sa EDSA sa gagawing provincial bus ban na naglalayong makabawas sa mabigat na daloy ng trapiko.

Related Post

This website uses cookies.