QUEZON City, Philippines (Eagle News) — Nababahala ang Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) sa plano ng Department of Transportation (DOT) na isara ang bus terminals sa Edsa para lumuwag ang traffic sa Metro Manila.
Ayon sa grupo, meron pang ibang paraan para paluwagin ang edsa na hindi kailangang alisin ang bus terminals na legal ang operasyon.
Dapat balansehin ang pag-hahanap ng solusyon sa traffic at pangangailangan ng mga pasahero.
Halos 400 thousand ang mga pasaherong lumuluwas ng Maynila para mag-trabaho at mag-aral na lalong mahihirapang makarating sa destinasyon kapag inilipat ang bus terminals.
Sa isinagawang pag-dinig sa senado noong Miyerkules, Agosto 11 sinabi ni Transportation Sec. Arthur Tugade isa sa agarang solusyon sa problema sa trapiko ay ang pag-sara ng bus terminals sa Edsa.
Gayunpaman, hindi naman agad aalisin ang terminals hangga’t hindi pa nakaka-hanap ang gobyerno ng relokasyon.