Provincial Museum at Library sa Quirino, bukas na para sa lahat

QUIRINO (Eagle News) – Bukas na sa lahat ang Provincial Museum at Library sa lalawigan ng Quirino. Hinati ito sa anim na bahagi para sa anim na bayan na bumubuo sa lalawigan. Ang nasabing bayan ay ang sumusunod;

  1. Diffun
  2. Saguday
  3. Aglipay
  4. Maddela
  5. Nagtipunan
  6. Cabarroguis – Capital ng Quirino

Ang bawat bayan ay may kani-kaniyang kontribusyon. Sa pagpasok pa lamang sa museum ay maipipinta na sa isipan kung paano namuhay ng simple ang mga ninuno sa lalawigan dahil sa makikitang iba’t-ibang uri ng kagamitan na ginagamit sa araw-araw. Makikita rin ang larawan ng dating Pangulong Elpidio R. Quirino na pinaghanguan ng pangalan ng lalawigan. Mababakas din ang unti-unting pag-unlad ng kabihasnan ng lalawigan na hindi rin nagpapahuli sa larangan ng sining.

Bukas ang nasabing museum mula Lunes hangang Biyernes, 8:00 am – 5:00 pm.

Sa darating na November 4, 2016 ay bubuksan na rin ang skateboarding kasabay ng pagdariwang sa kaarawan ni Governor Junie Cua. Inaasahan na ang pagdagsa ng mga Quirinians sa nasabing araw.

Shiela Gelacio at Cora Acoba – EBC Correspondent, Quirino

 

Related Post

This website uses cookies.