DAVAO CITY, Philippines (Eagle News) – Biibigyan ng psycho-social intervention ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) and mga nagkaroon ng trauma na mga saksi at mga sugatang biktima ng pagbobomba sa Roxas City night market dito sa lungsod ng Davao.
Pinangunahan nina DSWD Undersecretaries Mateo G. Montaño at Vilma B. Cabrera, kasama ang kanilang DSWD team, ang pag-alam sa kondisyon ng mga naging biktima ng pagsabog sa Roxas night market.
Inalam rin nila ang mga pangangailangan ng mga nasa ospital, lalo na ang mga nasa Southern Philippines Medical Center (SPMC).
Ayon kay Montaño, sisiguraduhin rin nilang maihatid kaagad ang tulong na kailangan ng mga naging biktima.
Courtesy: Haydee Jipolan – Davao City
Photo by DSWD Region x1