MANILA, Philippines (Eagle News) — Bilang bahagi ng pagsusulong ng pamahalaan sa Public Utility Vehicle Modernization Program, inilunsad nitong Martes, ika-3 ng Abril, ng Department of Transportation (DOTr) ang Public Transport Modernization Expo sa PICC sa Pasay City.
Ito ay may temang “Modernong Sasakyan, Progresibong Bayan.”
Layunin ng programang ito na ipakita ang mga makabagong prototype na mga sasakyan na magdudulot raw ng ginhawa, environmental-friendly, mas konti ang maintenance cost at ligtas na public transport system.
Target ng modernization program na masimulan na ang pagbiyahe ng mga bagong sasakyan sa ilang mga identified na bagong ruta, gaya ng CCP Complex via MOA sa Pasay City.
Paglilinaw ng DOTr, titiyakin nila na dapat naaayon o akma sa mga pangangailangan ng bawat ruta ang magiging byahe ng prototype na sasakyan o depende sa kapasidad ng kalsada at kapaligiran.
Ang expo ay sinuportahan naman ng mga malalaking transport group gaya ng Pasang Masada, LTOP at marami pang iba. Gerald Rañez