Publiko, pinag-iingat ng DOH sa pagbili ng battery operated devices

Ni Belle Surara
Eagle News Reporter

(Eagle News) – Muling pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na maging maingat sa pagbili ng mga produkto online lalo na ang mga battery operated devices.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang mga naturang devices ay hindi laruan. Ito aniya ay nagtataglay din ng tinatawag na “concomitant health at safety hazards”.

Magugunita na isang binatilyo ang nasabugan ng vape sa bibig matapos umanong makipag-swap ng baterya sa isang tao na nakilala lamang sa social media.

Dahil dito, posible daw na i-regulate na ang paggamit ng vape upang maiwasan ang kahalintulad na pangyayari.

Samantala, ipinanawagan na ng Philippine E-cigarette Industry Association sa gobyerno, ang pag-regulate sa paggamit ng vape upang ma-protektahan ang mga gumagamit nito.

https://www.youtube.com/watch?v=B0NI4EtfUdw