Publiko, pinag-iingat sa mga mananamantala sa relief operations para sa Mayon evacuees

MANILA, Philippines (Eagle News) — Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na maging alerto sa maaaring manamantala sa isinasagawang relief operations ng kagawaran para sa mga apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

Makailang ulit na kasing ginamit ang pangalan ng kagawaran sa panahon ng kalamidad upang humingi ng tulong at maaari anila itong gamitin sa nangyayari ngayon sa Albay.

Umapela si DSWD Officer-in-charge Emmanuel Leyco sa mga mamamayan na mas maging maingat sa pakikipagdayalogo sa mga mananamantala.

Pinaalala niya sa publiko na ang mga empleyado ng kagawaran ay nakasuot ng ID at ‘red vests’ tuwing nagsasagawa ng relief operations.

Sa pinakahuling tala, higit 84,000 katao sa 59 na barangay sa albay na ang naaapektuhan ng pag-aalburuto ng bulkan.

Umabot naman na sa higit kumulang 23.8 milyong pisong halaga ng ayuda ang naibigay sa mga apektadong pamilya.

Related Post

This website uses cookies.