Pueblo de Panay idineklarang Special Economic Zone

Idineklara ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang pitong ektaryang lupa ng Pueblo de Panay bilang Special Economic Zone. Ito ang kauna-unahang Information Technology Park sa Northern Panay.

Ayon kay Victoria Hariette Ong Banzon (Technopark Project Head), ang deklarasyong ito ng PEZA ay malaking tulong upang mapalakas ang ekonomiya ng rehiyon at makapagbubukas ng karagdagang trabaho sa mga Capizeño.

Ayon sa Republic Act 7916 na kilala rin sa Special Economic Zone Act of 1995, may inilalaang mga pribilehiyo ang national government sa naideklarang special economic zone, pribelehiyo sa mga business owners at investors, special tax incentives at holidays.

Ang Technopark na ito sa Pueblo de Panay ay makapagsisimula ng industriya ng IT-BPM (Business Process Management) sa Western Visayas.

(Agila Probinsya Correspondent Aser Bulanadi)

Related Post

This website uses cookies.