Puerto Princesa City Coliseum binulabog ng bomb threat

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Binulabog ng bomb threat ang Puerto Princesa City Coliseum noong Linggo, September 17.

Ayon kay Allan Naraga, program manager ng City Coliseum, bandang 8:00 ng umaga nang may nakitang isang pouch na nakasabit sa loob ng CR ng naturang gusali.

May kasama itong papel na may nakasulat na “may sasabog na bomba dito sa Puerto.”

Matapos ito ay agad silang nakipag-ugnayan sa mga awtoridad.

Sa pagresponde ng bomb squad ay agad nilang kinuha ang pouch at dinala ito sa labas ng coliseum kung saan sadya nila itong pinasabog.

Dito nakita ang mga wire na laman ng naturang pouch.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad kung sino ang suspek sa naturang bomb threat.

Samantala, pinabulaanan naman ng mga awtoridad ang kumakalat na balita na isa ngang bomba ang natagpuan sa coliseum.

Anila, nagnegatibo ito sa mga K9 dogs na dala ng mga awtoridad mula sa WesCom.

Ayon pa ni Caraga, asahan na umano ang mas mahigpit pang pagpapatupad ng seguridad sa buong coliseum upang maiwasan na maulit pa ang ganitong mga pangyayari.

 

Anne Ramos – Eagle News Correspondent

 

Related Post

This website uses cookies.