STA. LOURDES, Puerto Princesa (Eagle News) — Nakararanas ngayon ng mga pagbaha ang mga residente ng Barangay Sta. Lourdes, Puerto Princesa dahil sa tuluy-tuloy na malakas na pag-ulan dulot ng bagyong Urduja na tuluyan na ngang nakapasok sa bansa.
Hirap ngayon ang mga residente na dumaan sa mga bahang lansangan dahil sa pagbabara ng mga daanan ng tubig ng mga maliliit na troso at iba pang mga basura.
Nagtulung-tulong naman ang mga residente at ilang opisyal ng barangay upang maibsan ang pagbaha sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga nakabarang troso at basura upang makadaan na ang mga sasakyan sa mga kalsada.
Samantala kanselado na rin ang mga paaralan mula elementarya hanggang sekondarya dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan at pabugsu-bugsong lakas ng hangin sa lungsod ng Puerto Princesa.
(Eagle News Service Rex Montallana)