Puerto Princesa Subterranean River, kabilang sa “50 natural wonders” ng CNN Travel

(Eagle News) — Nasa ika-tatlumpung pwesto ang Puerto Princesa Subterranean River sa “50 natural wonders” ng CNN Travel.

Kinilala ng CNN Travel ang Subterranean River na perpektong lugar para sa cruising– hindi raw dapat palampasin na makita ang mga cute na hayop doon.

Ikinalugod naman ng Department of Tourism ang naging pagkilala ng CNN Travel at sinabi na marami pang natural wonder sa Palawan na dapat makita ng mga turista.

Kinilala din ang Palawan bilang “World’s Best Island” ng Travel+Leisure magazine sa mag-kasunod na dalawang taon.

Related Post

This website uses cookies.