Pulis, arestado matapos mahuli sa isang pot session sa Las Piñas City

By Mar Gabriel
Eagle News Service

MANILA, Philippines (Eagle News) — Arestado sa operasyon ng Las Piñas City Police ang isang Police Colonel matapos mahuli sa akto na gumagamit ng shabu sa pot session sa isang subdivision sa lungsod.

Kinilala ang suspek na si Police Supt. Lito Dumandan Cabamongan na Hepe ng Pnp-Crime Laboratory Satelite Office sa Alabang.

Arestado rin ang ka pot session ng opisyal na si Nedy Sabdao na umano’y may-ari ng bahay.

Shabu at paraphernalia, nabawi sa bahay ng isa pang suspek. Nabawi rin ang apat na sachet ng shabu, aluminum foils at 3 piraso ng lighter.

 

Police colonel, todo-tanggi sa paggamit ng shabu

Bagaman umamin na ang kasama cabamongan na gumagamit sila ng shabu todo tanggi pa rin ang opisyal.

Giit ng suspek, nagsasagawa siya ng surveilance sa lugar nang datnan ng mga pulis.

 

Sinasabi ng pulis na may permiso siya sa Anti-Drugs Operations, itinanggi ng PNP-Crime Lab

Binigyan daw kasi sya ng permiso ng hepe ng Crime Laboratory na magsagawa ng anti illegal drugs operasyon laban sa mga kapwa pulis na gumagamit ng droga.

Pero sa text message ni Crime Laboratory Director Police Chief Supt Aurelio Trampe, itinanggi nito ang pahayag ng suspek at igiit na wala sa mandato nila ang magsagawa ng anti-drug operation.

 

Nadakip na pulis, isasailalim sa drug at neuro psychiatric tests

Bukod sa pagsailalim sa drug test, isasailalim din sa neuro psychiatric exam ang suspek dahil umano sa mga kakaibang kilos nito.

Minsan na raw kasi itong nireklamo ng pagpasok sa pagsayaw ng nakahubad sa publiko.

Naireklamo na rin umano ang suspek dahil sa pagpasok sa sinehan nang walang bayad kung saan nagsisit-ups pa sya sa loob.

 

Pulis, sasampahan ng kaso

Sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 o ang comprehensive dangerous drugs act.

Mahaharap din sya sa kasong administratibo partikular na ang grave misconduct.

 

Imbentaryo sa ebidensyang droga, ipinag-utos ng PNP-Crime Lab

Agad namang ipinag-utos ni PNP Chief Dela Rosa sa PNP Crime Laboratory ang pagsasagawa ng imbentaryo sa mga hawak nilang ebidensya partikular na ang shabu dahil sa posibilidad na ginagamit na ito ng ilan sa kanilang mga tauhan.

 

Related Post

This website uses cookies.