(Eagle News) – Kaagad na sisibakin sa serbisyo ang sinumang miyembro ng Philippine National Police (PNP) na masasangkot sa indiscriminate firing sa pagsalubong ng bagong taon.
Ayon kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde, mahigpit ang naging tagubilin sa kanila ni PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa na iwasan ang pagpapaputok ng baril sa pagsalubong sa 2018.
Naniniwala ang liderato ng PNP na disiplinado ang kanilang mga tauhan kaya hindi na sila naglagay ng tape sa gun barrel sa mga baril ng mga pulis. Umapela rin si Albayalde sa iba pang mga nagmamay-ari ng mga baril na umiwas sa pagpapaputok nito para sa kaligtasan ng publiko.
Kaagad umano nilang papasukin ang bahay ng sinumang maaaktuhan na nagpaputok ng baril sa pagsalubong sa bagong taon.
https://www.youtube.com/watch?v=kChX4hyVR6o&feature=youtu.be