MANILA, Philippines (Eagle News) — Sa survey ng Pulse Asia, lumabas na dalawampu’t-dalawang porsyento ng mga botante ang umaming may nag-alok sa kanilang kandidato para bilihin ang kanilang boto noong 2016 elections.
74 percent sa 1200 respondents ang inaming tinanggap nila ang alok na pera at iba pang materyal na bagay kapalit ng boto habang 26 na porsyento lang ang hindi tinanggap ang alok mula sa kandidato.
Gayunman, labing-walong porsiyento sa mga ito ang ibinoto ang kandidatong namili ng boto at dalawampu’t-walong porsiyento naman ang hindi.
Nasa apat porsiyento sa mga tinanong ang tumangging sumagot kung nabili ba ang kanilang boto.
Batay rin sa pulse asia, ang visayas region ang may pinakamataas na bilang ng vote buying sa buong bansa na sinundan ng Luzon, Mindanao, at National Capital Region.