PUV modernization program hindi ‘anti-poor,’ ayon sa Malacañang

MANILA, Philippines (Eagle News) — Pinakakalma ng Malacañang ang mga tsuper ng jeepneys na tutol sa public utility vehicle modernization program na magsisimula na sa susunod na taon.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi anti-poor ang naturang programa. May mga hakbang aniya na inilatag ang pamahalaan para matulungan ang mga jeepney driver at para mapaganda ang public transport sector ng bansa at hindi para tanggalan ng kabuhayan ang mga drayber ng jeep.

Sa katunayan ayon kay Roque, layon nitong mas mapalakas at mapalaki ang kita ng jeepney business. Mayroon aniyang financing program ang gobyerno na idadaan sa Land Bank at Development Bank of the Philippines.

“The Palace clarifies that the Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) of the Duterte Administration is not anti-poor, contrary to the claims of some transport groups. We assure Filipino jeepney drivers that this initiative of the government to improve our public transport sector will not put them out of business. It was not designed to phase out jeepneys. In fact, the program aims to strengthen and guarantee the profitability of the jeepney business,” ani Sec. Roque.

(Eagle News Service)

Related Post

This website uses cookies.