SALVADOR, Lanao del Norte (Eagle News) – Nagsimula na ang sagupaan sa pagitan ng kapulisan ng Salvador MPS, kasundaluhan ng 15IB ng Phil. Army at mga drug personalities sa isang Basketball Tournament. Isinagawa nila ito sa covered court ng Barangay Poblacion, Salvador, Lanao Del Norte kamakailan.
Layunin ng nasabing aktibidad matulungan ang drug surrenderees na lubos na makapagbagong-buhay. May tema rin itong “Sa Henerasyong ito, Adik sa Basketball ang Uso”.
Sa pagsisimula ng aktibidad ay dumalo sina Mayor Hassanor Tawantawan ng Minicipality of Salvador, Col. Audie Mongao, Battalion Commander ng Phililippine Army, Police Senior Inspector Wilson Miflores, OIC ng Salvador MPS, at mga opisyales ng Barangay.
Ang Oath of Sportsmanship ay pinangasiwaan ni Police Officer 1 Hernando Adona na siya ring tagapag-ugnay ng nabanggit na aktibidad. Pinangunahan naman ng alkalde ang Ceremonial Toss para sa pormal na pagbubukas ng torneo.
Inaasahang matatapos ang nasabing aktibidad sa buwan ng Disyembre 2016.
Bert Prowel – EBC Correspondent, Salvador, Lanao del Norte