Puyo Bridge sa Agusan del Norte gumuho dahil sa bagyong ‘Basyang’

JABONGA, Agusan del Norte (Eagle News) — Dahil na rin sa nararanasang malakas at tindi ng buhos ng ulan na dala ng bagyong “Basyang” sa Agusan del Norte, gumuho ang kaliwang bahagi ng Puyo Bridge sa Barangay Bangonay, munisipalidad ng Jabonga.

Ang nasabing tulay ay nagsisilbing daanan at border ng Agusan del Norte patungong Surigao del Norte.

Ayon sa ulat bandang alas 12 ng tanghali nitong Lunes, Pebrero 13 nang biglang gumuho ang kaliwang bahagi ng naturang tulay.

Agad namang dumating at rumesponde ang kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Rescue Team upang sumaklolo sa maaaring maging casualty sa nangyaring pagguho.

Sa ngayon, mahigpit na ipinagbabawal ang pagdaan ng mga light at heavy vehicles sa tulay dahil may posibilidad na gumuho pa ang ibang bahagi nito.

Samantala, sa tulong ng Agusan del Norte Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ay tinatayang nasa 85 pamilya at 252 indibidwal na nakatira malapit sa mga ilog sa Jabonga ang ligtas na nailikas patungo sa mga evacuation centers.Nova Villafañe

Related Post

This website uses cookies.