Quarrying sa mga bayan sa Rizal pinasisiyasat ng Malacañang

(Eagle News) — Inatasan na ng Malakanyang ang Department of Environment and Natural Resources na busisiin ang quarrying sa mga kabundukan sa Rizal.

Ayon kay Special Assistant to the President Christopher Bong Go, naipaabot na niya ang kautusan ng pangulo kay Environment Secretary Roy Cimatu.

Ginawa ni Go ang pahayag matapos ang pagbisita kagabi sa mga apektadong residente ng habagat sa Taytay, Rizal; Marikina; at Quezon City.

Ayon kay Go, isang residente sa Marikina ang nagsumbong sa kanya na ang quarrying sa Rizal ang dahilan ng pagbaha sa kanilang lugar.