QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Naglaan ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng 350 slots sa mga estudyanteng nais mag-trabaho ng part-time sa summer season.
Layon nitong mag-kaloob ng tulong pinansiyal sa mga estudyanteng nais ituloy ang pag-aaral sa kolehiyo.
Ang mga estudyante ay magta-trabaho mula April 3 hanggang May 2 at tatanggap ng 512 pesos kada araw.
Ang mga estudyante ay dapat nakapag-tapos ng Grade 10, computer literate at may alam sa clerical work.