Ni Mar Gabriel
Eagle News Reporter
(Eagle News) – Randam na rin ng mga bilanggo sa Quezon City Jail ang kakulangan sa suplay ng tubig lalot sakop ng distribution area ng Manila Water ang bilanguan.
Ang bawat gang ay mayroon ng kanya kanyang skedyul ng pagligo.
Hindi raw kasi kaya ng pressure ng tubig ang sabayang pagbubukas ng gripo.
“Sa pangkat ng DCJ pagka-gumamit sila ng tubig, nawawalan ng supply ang sputnik. Pero mas lalo na ngayon na mas maraming inmates na naka-detainee ngayon dito, mas maraming nangangailangan ng tubig. Kailangan maligo, gumamit ng CR, uminom, magluto. So, mas marami ang pangangailangan ngayon, mas lumiliit yong supply ng tubig”, ayon sa pahayag ni JS. Ins. Maria Teresta Colopano.
Dahil dito, ilan daw sa mga bilanggo ang hindi na nagagawang maligo.
Ito ang pinangangambahan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) dahil posible itong maging mitsa ng pagkakasakit at pagkalat ng epidemya sa loob ng mga selda.
Dagdag pa rito ang patuloy na pagtaas ng congestion rate ng mga kulungan na ngayon ay nasa higit 441 percent.
BJMP, bibili pa ng mga karagdagan drum; Humingi na rin ng rasyon mula sa BFP
Kaya naman ngayon pa lang ay ipinag-utos na ng pamunuan ng BJMP ang pagbili ng mga karagdagagang drum para pagimbakan ng tubig.
Nakapag-request na rin daw sila sa Bureau of Fire Protection (BFP) para sa regular na pagra-rasyon ng tubig sa mga bilangguan.
“We assure the public, the families ng PDL na enough yong supply ng tubig sa mga jail facilities natin, napaghandaan siya ng BJMP. And yong paggamit ng tubig talagang may sistema na sa loob para masiguro naming hindi masasayan”, Ayon kay JChief Ins. Xavier Solda, BJMP Spokesperon
BJMP, pinaghahandaan na ang magiging epekto ng el niño sa mga selda
Bukod sa tubig ay naihanda na rin daw ng BJMP ang mga kakailanganin na gamot para sa mga karaniwang sakit ng mga bilanggo ngayong tag-init.
Patuloy rin ang paglalatag ng mga programa ng BJMP para mapaluwag ang mga kulungan.
Kabilang na rito ang pagtatayo ng mga karagdagang pasilidad na patuloy naman daw na pinopondohan ng pamahalaan gayundin ang pagbibigay ng libreng legal assistance para sa kinakaharap na kaso ng mga bilanggo.
https://www.youtube.com/watch?v=esDANOWkIcM