Quiboloy, iniimbestigahan ng FBI sa umano’y human trafficking

MANILA, Philippines (Eagle News) — Iniimbestigahan ng US Federal Bureau of Investigation o FBI ang Kingdom of Jesus Christ o KJC leader na si Apollo Quiboloy dahil sa alegasyon ng human trafficking.

Sa report ng Hawaii news, partikular na ini-imbestigahan ng FBI ang natanggap na reklamo hinggil sa umano’y pagpapadala ng mga miyembro nito sa Hawaii para magbenta ng mga pagkain bilang bahagi ng kanilang fund- raising activities.

Isang witness at umano’y biktima ang nagsabing pinaparusahan ang miyembro ng nasabing relihiyon na hindi makapagbe-benta ng sapat ng produkto.

Kampo ni Quiboloy, ikinagulat ang balita

Ayon sa tagapagsalita ng KJC na Atty. Israelito Torreon, kagula-gulat ang nasabing balita.

Anya, kagagaling lamang nya sa Hawaii at hindi naman ito sinabihan ng FBI na ini-imbestigahan ang KJC.

Binigyang- diin pa ng tagapagsalita ng KJC na hindi isang human trafficking organization ang KJC at hindi ito guilty sa nasabing paratang.

Ipinauubaya naman ni Torreon sa mga abogado ng KJC sa Amerika ang nasabing usapin.

Bukod sa isyu ng human trafficking, inakusahan din ng sexual harassment ang business manager ng KJC na si Felina Salinas, na naaresto nitong Pebrero dahil sa umano’y tangkang pagpuslit ng 350,000 dollars na cash palabas ng US.

Related Post

This website uses cookies.