(Eagle News) — Asahan ang mga pag-ulan sa buong bansa bukas, Mayo 19, Huwebes, sa kabila ng maalinsangang panahon.
Maaaring magsimula ang mga pag-ulan sa umaga o tanghali at posibleng mas lumakas pa sa bandang hapon o gabi.
Asahan diumano ang rainshowers sa Silangan at Hilagang Luzon, partikular sa Cordillera Region, Ilocos at Central Luzon habang inaasahan din ang mga pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Visayas at ilang mga lugar sa Mindanao gaya ng CARAGA, Sulu, at Zamboanga Peninsula.
Sa kabila nito, asahan pa rin umanong mararanasan pa rin ang maalinsangang panahon bukas kung saan posibleng umakyat hanggang sa 41 degrees celsius ang average temperature sa bansa.