Rainy season nagsimula na – PAGASA

(Eagle News) — Idineklara na ng PAGASA ang pagsisimula ng panahon ng tag- ulan o “rainy season”.

Kaya naman ayon sa PAGASA, asahan na raw ang marami pang mga pag- ulan sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Nagpaalala na rin ang ahensya na maging handa na sa maraming pag-ulan lalo na at inaasahang papasok ang La Niña sa ikalawang quarter ng 2016.

Ayon pa sa PAGASA, napaaga ang pagdedeklara ng panahon ng tag- ulan dahil sa dami ng buhos ng ulan na inaasahan sa susunod na 2 hanggang 3 araw.

Ayon sa PAGASA,  magtatapos na ang epekto  ng nararamdamang El Niño sa huling linggo ng hulyo.

Nasa walo hanggang 17 bagyo naman ang inaasahang papasok sa bansa hanggang sa buwan ng oktubre.

Bunsod nito ay asahan na raw ang mas malalakas na paparating na bagyo sa “last quarter” ng taon.

 

Report ni Pia Okut, Eagle News Service